Nangangamba si Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate na magamit laban sa mga kritiko ng gobyerno ang isinusulong na National ID system.
Ayon kay Zarate, posibleng gamitin sa paniniktik ng ilang “law enforcement agencies” gaya ng mga pulis ang naturang panukala sa oras na maipatupad na ito sa mga itinuturing na kaaway ng gobyerno.
Nakapaloob sa National ID system ang ilang mahahalagang impormasyon ng indibidwal tulad ng pangalan, address, petsa at lugar ng kapanganakan, kasarian, civil status at iba pa.
Giit ng gobyerno, wala dapat ipangamba ang publiko dahil layunin lamang ng National ID system na mapadali ang transakyon ng indibidwal sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.