Target ng pamahalaan na lubusang maipatupad ng National ID system sa 2022.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinakilos na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang National Economic Development Authority (NEDA) upang mabilis na maipatupad ang National ID system
Sinabi ni Roque na inaasahang maisasama na ang lahat ng pilipino sa national data base sa susunod na dalawang taon.
Sa ngayon anya ay nasa limang milyong household ang unang target na maisama sa national data base.
Binigyang diin ni Roque na nakita ng pangulo ang kahalagahan ng national id system sa panahon ng pandemya lalo na sa mabilis na pamamahagi ng ayuda.