TINATANGGAP ng Bureau of Internal Revenue ang Philippine Identification card o national ID bilang balidong ‘proof of identity’ sa lahat ng mga transaksiyon sa kanilang tanggapan.
Ito ang inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority o PSA kasunod ng kaliwa’t kanang reklamo na hindi tinatanggap sa ilang ahensya ng gobyerno at maging sa bangko ang PhilID dahil wala itong pirma.
Ayon sa PSA, kasama ang BIR sa mga national government agencies na nag-eendorso ng PhilID, at maging ang Philippine Postal Corporation o PHLPost at Department of Foreign Affairs.
Samantala, nanawagan naman ang Central Bank of the Philippines sa mga bangko na i-honor o tanggapin ang PhilID ng kanilang mga kliyente.