Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs na tinatanggap na nito bilang government-issued valid ID ang digitized version ng National ID simula kahapon, Oktubre 21.
Ayon sa DFA, dapat malinaw ang mga detalye sa naka-print na ePhilID o PhilSys ID, readable at naglalaman ng mga impormasyon sa isinumiteng documentary requirements sa passport application.
Inabisuhan din ang publiko na bisitahin ang philsys.gov.ph at dfa-oca.ph para sa karagdagan detalye ukol sa passport requirements.