Magiging epektibo na ang pagpapatupad ng PhilSys o Philippine Identification o ID system sa Agosto 25.
Iyan ang inihayag ng PSA o Philippine Statistics Authority makaraang lagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang batas noong Agosto 9.
Paliwanag ni Lisa Grace Bersales, national statistician, nakasaad sa naturang batas na magiging epektibo ang nasabing batas labing limang araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.
Nasa isang milyong ID ang unang ipalalabas ng psa kung saan, unang makikinabang dito ang mga benepisyaryo ng PPP o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Nakalagay sa naturang id ang pangalan, tirahan, petsa at lugar ng kapanganakan, kasarian, blood type, larawan ng may-ari at biometrics nito.