Maagang natapos ang 17th National Jamboree ng Boy Scouts of the Philippines dahil sa bagyong Tisoy.
Nagdesisyon ang organizers na ilikas na ang may 25,000 participants ng Jamboree mula sa Camp Site sa Botolan Zambales bago pa man manalasa ang bagyong Tisoy.
Nagpadala pa ang DPWH, ang Provincial at Municipal Governments at Red Cross ng mga tauhan at sasakyan upang ilikas ang mga bata at dalhin sa ibat-ibang school buildings sa lalawigan.
Nagsimula lamang nuong Disyembre 1 at magtatapos sana sa December 7 ang National Jamboree subalit sa ikalawang araw pa lamang ay hirap na sila samga aktibidad dahil sa sama ng panahon.
Ayon sa organizers, hihintayin nilang humupa ang bagong Tisoy bago pauwiin sa kani kanilang mga lalawigan ang mga boy scouts.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)