Nagpahayag ng suporta ang Department of Social Welfare and Development sa bagong lunsad na National Juvenile Justice and Welfare Management Information System (JJWMIS) ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC).
Ang JJMIS ay isang centralized information management system na kumokolekta at nagpoproseso ng mga impormasyon ukol sa mga children at risk o CAR at children in conflict with the law (CICL) na mahalaga upang matukoy ang mga angkop na programa at interventions para sa mga minor offenders at kanilang mga pamilya.
Nabatid na ang information system ay binuo alinsunod na rin sa Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA).
Hinimok naman ni DSWD Undersecretary Carles Frederick Co ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang nasabing sistema.
Ayon kay Co, sa pamamagitan ng JJMIS ay napapangalagaan at napoprotektahan ang mga personal at sensitibong impormasyon na may kinalaman sa mga menor-de-edad.