Maaari nang ma-access sa National Library of the Philippines o NLP Building sa Ermita, Maynila ang ilang book collections mula sa Presidential Museum & Library ng Malacañang.
Ito’y matapos pangunahan ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang paglulunsad ng Presidential Library sa second floor mezzanine ng NLP building.
Labis naman ang pasasalamat ng Unang Ginang sa NLP matapos maisakatuparan ang nasabing proyekto.