Hinimok ng Department of Health (DOH) ang Local Government Units sa bansa na sundin ang national mask mandate matapos na gawing opsyonal ng pamahalaan ng Cebu ang pagsusuot ng face masks sa labas o outdoor setting.
Ayon kay health undersecretary Maria Brosario Vergeire, kailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask dahil mayroong sub-variants na nakapasok sa Pilipinas at hindi pa ganoon kataas ang antas ng pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dagdag niya na kailangan ay iisa lamang ang protocol na dapat sundin para sabay-sabay at tulong-tulong na maabot ang ‘new normal’
Samantala, sinabi ni Vergeire na nakaranas ng COVID-19 surge ang ibang bansa matapos na alisin ang mandatong pagsusuot ng face mask.