Mahigit 200 kilo ng mishandled meat ang nasabat ng NMIS o National Meat Inspection Service sa isang inspeksyon sa Balintawak Market sa Quezon City.
Ayon sa report ilan sa mga nasabing karne ay nadiskubreng may parasite na papatay sa mga consumer.
Nahuli ng mga inspector ang isang stall na nagbebenta ng atay na may bulate sa loob.
Sinabi ni NMIS NCR Director Dr Rolando Marquez na hindi namamatay ang itlog ng mga bulate na posibleng makahawa sa tao pag nakain.
Pag nagtagal pa ito aniya sa hayop ay kayang patayin ang hayop.
Isa pang vendor ang naglagay ng karne sa ibabaw ng karton na ipinagbabawal dahil nakaka apekto ito sa kalidad ng karne.
Tinatayang 20,000 Pisong halaga ng karneng baboy at manok ang kinumpiska ng mga otoridad sa naturang inspeksyon.