Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na lilikha sa isang National Mental Health Policy.
Ipinasa ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa unang araw ng pagbabalik sesyon nito ang Senate Bill 1345 o Philippine Mental Health Bill.
Umani ang naturang panukala ng landslide votes at walang abstention.
Ang bill ay inisponsoran ni Senador Risa Hontiveros, dating Senate Committee on Health Chairperson.
Layunin nito na isama ang mental health services sa public health system at magkaloob ng basic mental health services sa community level.
By: Drew Nacino / Cely Bueno