Bukas na muli sa publiko ang National Museum of the Philippines Complex, matapos itong pansamantalang isara para sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Maaaring bisitahin ang National Museum mula alas-9 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon, at libre pa rin ang admission dito.
20 hanggang 30 indibidwal lamang ang pinapahintulutan sa loob ng Pambansang Museo kaya’t mainam na mayroong reservation sa https://reservation.nationalmuseum.gov.ph/
Pinaalalahanan ng pamunuan ng National Museum ang publiko na sumunod pa rin sa health protocols kontra COVID-19. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)