Dinagsa ng mga lokal at dayuhang turista ang bagong bukas na National Museum of Natural History sa Maynila.
Isinabay ang pagbubukas ng naturang museo sa paggunita ng International Museum Day.
Pinilahan naman ng marami ang preserved na katawan ng dambuhalang buwaya na si Lolong na itinanghal na “Largest Crocodile ever captured” ng Guinness Book of World Records.
Libreng makakapasok ang sinoman sa lahat ng National Museum mula Martes hanggang Linggo, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.