Nakatakdang idaos sa National Museum of the Philippines ang inagurasyon ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Incoming Presidential Management Staff Secretary Zenaida “Naida” Angping, ang naturang lugar ang mainam na venue para sa oath-taking ni Marcos kasunod ng isinagawang ocular inspection ng inaugural committee members.
Sinabi pa ni Angping na puspusan na ang paghahanda para sa panunumpa ni Marcos sa Hunyo 30 bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.
Mababatid na ang National Museum of the Philippines ang nagsilbi ring venue ng inagurasyon ng mga dating pangulo na sina Manuel L. Quezon, Jose P. Laurel, at Manuel Roxas.