Tiniyak ng National Museum of the Philippines (NMP) ang pakikipagtulungan sa ibang sektor para sa rehabilitasyon at restorasyon ng ilang heritage sites na nasira matapos ang magnitude 7 na lindol.
Ayon sa NMP, isinara na sa publiko ang Ilocos Regional Museum Complex, Cagayan Valley Regional Museum, Batanes Area Museum, Cordillera Rice Terraces Site Museum at Kabayan Burial Caves Site Museum.
Bagaman ligtas mula sa pagyanig, tiniyak pa rin ng NMP ang pagsusuri sa mga museong nabanggit para masigurong intact pa rin ang mga kagamitan sa loob nito.
Una nang sinabi ni Senator Imee Marcos na ilang heritage sites at main roads sa Ilocos Norte at Sur ang naapektuhan ng lindol.
Kabilang na rito ang Vigan Calle Crisologo Houses, Bantay at Laoag Bell Towers, Sarrat Church, Vigan Cathedral maging ang Sarrat Heritage Municipal Hall.