Nagbitiw sa puwesto si Japanese National Police Agency head Itaru Nakamura.
Ito ay kasabay ng pag-amin nito sa naging kakulangan ng kanilang ahensiya sa naganap na pag-assassinate kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Mababatid na inako ni Nakamura ang responsibilidad sa pagkamatay ni Abe noong Hulyo 8 matapos barilin si Abe habang nagtatalumpati sa lungsod ng Nara.
Samantala, iniuugnay ng 41-anyos na suspek na si Tetsuya Yamagani si Abe sa isang religious group na ikinasira ng buhay ng ina nito.