Isinailalim sa lockdown ang National Police College (NPC) matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 77 na estudyante at mga tauhan nito.
Ayon kay Retired General Ricardo De Leon, Pangulo ng Philippine Public Safety College, ang mga estudyante at tauhan na dinapuan ng virus, ay pawang mga asymptomatic at kasalukuyan nang naka-isolate para hindi na makahawa pa.
Mababatid na kabilang si NPC Director Romeo Magsalos sa mga naunang dinapuan ng virus, na ngayo’y nakarekober na.
Kasunod nito, ani De Leon, isinailalim na sa mass testing ang halos 400 mga estudyante at mga tauhan ng paaralan.
Ang mag-nagpositibo sa virus, ay dinala na sa national forensic science training institute sa kampo Vicente Lim para magpagaling.
Dahil dito, agad na ipinag-utos ang disinfection sa NPC para mapigil ang posibleng pagkalat pa ng nakamamatay na virus.
Samantala, ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año, sa Nobyembre 23 pa muling magbabalik ang klase.