Pina-a-alalahanan ng NPC o National Privacy Commission ang filipino netizens na protektahan ang kanilang impormasyon sa kanilang mga account sa social media.
Ito anya ay bahagi ng kampaniyang tinatawag na “unfriend day” kung saan hinihimok ang publiko na i-unfriend ang mga taong hindi personal na kilala sa social media.
Paliwanag ng NPC ang hakbang na ito ay bilang paglaban sa talamak na “identity theft” o pagnanakaw ng impormasyon o pagkakilanlan ng isang tao upang magamit sa masama gawain.