Handa ang National Prosecution Service sa anumang alert level sa Metro Manila.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOJ Prosecutor General Benedicto Malcontento na naka-in place ang kanilang sistema at mayroon silang work force percentage.
Kaugnay nito, nagpapasalamat aniya ang ahensya kay Pangulong Duterte dahil marami ang na-promote at mga bago sa kanilang hanay kung saan ito ay malaking tulong para tugunan ang mga complaints at hinaing ng mga mamamayan.
Sinabi pa ni Malcontento na pinaghahandaan na rin nila ang papalapit na eleksyon sa May 9, 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho