Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang National QR code standard o QR PH person-to-merchant digital payment stream.
Layunin nito na isulong ang paggamit ng digital transactions lalo na ngayong may pandemya.
Ayon sa BSP, ang QR ph ay magbibigay ng madali at murang paraan ng pagbabayad ng maliliit o pangmaramihang transaksyon.
Sa pamamagitan din nito ay hindi na kailangan pa ng mga mamimili na magkaroon ng mga hiwalay na accounts para sa magkakaibang payment service providers.
Makakatulong din ito sa store owners dahil hindi na nila kailangan pa na maglagay ng maraming QR code standees sa kanilang establisyimento at hindi na rin kailangan pang mamuhunan ng mga ito sa mahal na point-of-sale terminals.
Maging ang tricycle drivers, tindero o tindera sa palengke, mga may-ari ng sari-sari store at iba pang maliliit na negosyo ay maaari ding makikinabang anila sa QR Ph payment-to-merchant.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico