Nilinaw ng religious group na Iglesia ni Cristo na ang isinagawang rally ay hindi isang pang-politika kundi ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.
Ayon kay INC Spokesman Edwil Zabala, wala silang inimbita na indibidwal o grupo na may kinalaman sa pulitika upang lumahok sa nasabing event.
Wala rin aniya silang inendorso na kandidato ngayong 2025 midterm election.
Gayunman, umaasa ang INC, na matitigil na ang hidwaan sa politika at magbigay atensyon na lamang sa pagbibigay programa at serbisyo sa mga Pilipino. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo