Mayroong bagong hamong kakaharapin ang local officials.
Ito ayon kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya ay kung paano mapapanatili ang kalinisan sa kalye dahil tuloy-tuloy aniya ang national road clearing program ng gobyerno.
Ipinabatid ni Malaya na magiging quarterly ang gagawing panibagong validation sa buwan ng Disyembre.
Magugunitang ini-report ng DILG na nasa halos 7,000 kalye sa buong bansa ang naideklarang cleared for obstruction.