Napapanahon na para magpatawag ng national security council meeting si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang mungkahi ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto matapos ang pahayag ng Defense Minister ng Indonesia na may mahigit isang libong (1,000) mga ISIS members ang nasa bansa.
Ayon kay Sotto, layun ng nasabing pagpupulong ang magkaroon ng full assessment ang pamahalaan sa tunay na lagay ng seguridad sa bansa.
Dagdag pa ni Sotto, ito rin ay upang mapag-usapan ang mga kaukulang hakbang para mapigilan ang pagpasok pa ng mga ISIS members at ang posibleng paghahasik nila ng karahasan sa bansa.
Kabilang sa ipinatatawag sa national security council meeting ay ang mga dating Pangulo at mga lider ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno