National security ang isa sa mga pinakamabigat na usaping haharapin ng susunod na Pangulo ng bansa.
Ito ayon kay Congressman Rodolfo Biazon ang dahilan kaya’t dapat isama sa mga isyung dapat pag-usapan ng mga kumakandidatong Pangulo ang usapin sa national security lalo na ang pakikipagbuno ng bansa sa China sa West Philippine Sea.
Maliban sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, dapat rin aniyang pag-usapan kung ano ang magiging epekto sa bansa ng pagpasa at hindi pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
“May apat na issue diyan eh sa national security, una yung Spratlys, pangalawa yung epekto ng pagpapasa o hindi pagpapasa ng BBL dahil sa dalawang isyu na yan kailangang tutukan din ng susunod na Presidente, ang AFP Modernization dapat campaign issue yan.” Pahayag ni Biazon.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit