Apektado na ang national security ng Russia dahil sa madalas na paggamit ng social media ng kanilang mga sundalo.
Kaugnay nito ay naghain na ng panukalang batas sa Russia na magbabawal sa kanilang mga sundalo na magdala at gumamit ng cellphone lalo na para gumamit ng social media sa oras ng kanilang duty o operasyon.
Nakasaad din sa panukala na hindi na sila papayagang magtalakay ng anumang isyu patungkol sa militar.
Mahigpit na ring ipagbabawal sa mga sundalo ang pakikipagusap sa mga journalist o mga mamamahayag.
Lusot na ang naturang panukala sa 400 mambabatas sa Russia at inaasahang agad itong lalagdaan ni Russian President Vladimir Putin upang ganap na itong maisabatas.
—-