Pinalawig pa ni US President Donald Trump ang national social distancing na ipinatutupad sa buong Estados Unidos kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang pahayag, tatagal ang kautusan hanggang ika-30 ng Abril.
Ito’y bunsod nang inilabas na babala ng Federal Infectious Disease matapos na pumalo sa 1,000 katao ang namatay sa New York habang umakyat na sa 2,500 ang namamatay sa buong Estados Unidos bunsod ng COVID-19.
Ayon pa kay Trump, posible aniyang tumaas pa sa susunod na dalawang linggo ang bilang ng mga namamatay sa bansa.
Samantala, umaasa pa rin si Trump na agad magbabalik normal na ang lahat sa darating na Hunyo.
Sa panulat ni Ace Cruz.