Ipinagdiriwang ngayong Oktubre Ang National Tamaraw Month sa isla ng Mindoro.
Pangunahing tema sa pagdiriwang ang ‘Tamaraw na Tinatangi, Pamana ng Lahi.’
Ito ay upang magbigay kamalayan sa importansya ng pag-protekta at konserbasyon ng naturang hayop.
Oktubre 2002 nang simulan ang pagdiriwang matapos lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang proclamation number 273.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 500 ang bilang ng tamaraw na endemic lamang sa isla ng Mindoro at kabilang sa listahan ng mga critically endangered species. – sa panulat ni Hannah Oledan