Iminungkahi sa susunod na administrasyon ng National Task Force against COVID-19 na ituloy ang vaccination rollout para magtuloy-tuloy ang proteksyon ng sambayanan laban sa COVID-19.
Ayon kay NTF medical adviser dr. Ted Herbosa, nakatulong ang bakuna sa pagbaba ng alert status sa maraming bahagi ng bansa at maging ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ani Herbosa, umaasa ang NTF na itutuloy ng susunod na administrasyon ang pagkamit sa target na 90 million population protection para sa unang 100 araw ng bagong presidente ng bansa.
Samantala, muli namang nanawagan ang NTF sa mga hindi pa nagpabakuna at tumanggap ng booster na magpaturok na bago makapasok ang mga bagong sub-variant ng nakahahawang virus sa bansa.