Aabot sa 5,514 ang bilang ng mga contact tracer ang dineploy ng National Task Force (NTF) against COVID-19.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasa mahigit 136 na ang kabuuang bilang ng mga contact tracers na tutulong upang puksain ang nakakahawang sakit.
Sinabi din ni Lorenzana na mula sa 31% noong nakaraang linggo ay bumaba na sa 27% ang occupancy rate dahilan para mas dumadami ang mga bakanteng beds sa mga ospital sa bansa.
Samantala, patuloy namang bumababa ang Healthcare Utilization rate kung saan, mula 68% noong September 20 ay bumaba na ito sa 64% noong September 27 hanggang October 1.
Ayon sa NTF, patuloy silang lalaban upang maabot ang herd immunity at population protection sa bansa.