Isinusulong ni Senate Committee on Environment Chairman Chiz Escudero, ang pagkakaroon ng National Transmission pipe line for water network.
Ito ay upang maibsan ang epekto ng matinding El Niño phenomenon na magtatagal hanggang sa Hunyo 2016.
Sinabi ni Escudero na makakabuti kung mayroong magdudugtong sa mga pinagkukunan ng tubig sa iba’t ibang rehiyon, para sa mas mabilis na distribusyon nito.
Inihalimbawa ni Escudero ang Angat dam sa Bulacan at Magat dam sa Isabela kung saan nasa kritikal na lebel na ang Angat, habang halos umapaw na ang Magat dam.
Aniya, kung mayroong linya na magdudugtong sa mga ito, mas madaling maglipat ng sobrang tubig.
By: Katrina Valle | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)