Hinamon ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP si incoming President Rodrigo Duterte na harapin ang pamilya ng mahigit Isandaang pinaslang na mamamahayag.
Ito’y makaraang manindigan si Duterte na hindi siya hihingi ng paumanhin sa kaniyang mga binitiwang salita kaugnay sa media killings.
Ayon kay Dabeth Panelo, Secretary General ng NUJP, dapat harapin ni Duterte ang pamilya ng may Isandaan at Pitumput Dalawang pinaslang na mediamen upang sabihin sa mga ito na tiwali ang mga mediamen kaya pinapatay.
Bagama’t aminado silang may ilang tiwali sa hanay ng media, karamihan sa mga pinaslang na mamamahayag ay hindi sangkot sa katiwalian kundi gumaganap sa kanilang tungkulin.
By: Jaymark Dagala