Matapos ang 65 years na pagkabigo, muling nag-kampyeon ang National University Lady Bulldogs sa UAAP Volleyball Season 84.
Sa straight set score na 25-15, 25-15 at 25-22, tinalo ng Bulldogs ang De La Salle University sa Game 2 ng best of three finals na naganap kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nanguna sa NU si Alyssa Solomon na maryoong 18 points kabilang ang 15 attacks at 3 blocks.
Itinanghal namang Rookie of the Year at Most Valuable Player si Bella Belen matapos mag-ambag ng 16 points kabilang ang 13 attacks at 3 blocks.
Limang NU players naman ang ginawaran ng individual player awards kabilang sina Cess Robles, Camilla Lamina at Jen Nierva.