Ipatutupad na sa buong bansa ang Alert level system simula Disyembre a-1.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario, mayroon na silang inihandang schedule sa lahat ng lugar sa bansa.
Nakatakda anya nilang tukuyin ang mga lugar na makakasama sa pilot implementation sa susunod na linggo hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Inihayag naman ni Presidential Spokeman Harry Roque na simula December 1 ay ilalabas ang Alert level assignments kada ika-15 at ika-30 ng buwan.
Una nang isinailalim ang National Capital Region sa Alert level 2 mula kahapon hanggang Nobyembre 21. —sa panulat ni Drew Nacino