Itinaas ng Department of Health (DOH) sa buong bansa ang nationwide alert laban sa paglitaw ng mga tinatawag na “six illnesses of summer” o 6S habang tumataas ang temperatura.
Ayon kay DOH Regional Director Marlyn Convocar, dapat mag-ingat ang publiko sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan sa “6S” na kinabibilangan ng diarrhea at pagsusuka, sore eyes o conjunctivitis, sunburn, skin diseases, ubo at sipon, at rabies.
Ibinabala ni Convocar na ang mga taong nagtutungo sa mga beach o swimming pool ay posibleng makainom ng tubig na kontaminado at infected ng E. coli bacteria na nagdudulot ng nausea o panghihina, diarrhea at pagsusuka.
By Jelbert Perdez