Posibleng bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na unilateral ceasefire.
Ito’y matapos ang dalawang magkasunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng pamahalaan sa Maguindanao.
Ayon kay Senator Bong Go, nais malaman ng pangulo kung may nilabag ba na ginawa ang NPA sa umiiral na tigil-putukan.
Ani Go, sa oras na mapatunayang hindi tumupad sa kasunduan ang kilusang komunista, hindi malayo umanong i-terminate ang ceasefire.
Batay sa nakarating na impormasyon sa presidente, ang magkahiwalay na pananambang ng NPA ay ginawa sa barangay Baay, Labo, Camarines Norte, at Tubungan, Iloilo isang araw matapos ang idineklarang tigil-putukan.