Ipinag-utos na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang nationwide crackdown sa illegal mining operations partikular sa paligid ng Philippine Military Academy sa Baguio City.
Bagaman bukas o Pebrero 14 pa ang opisyal na pagsisimula ng anti-illegal mining campaign, pinasinayaan na ito noong Sabado sa Fort Del Pilar ng National Task Force on Mining Challenge.
Pinangunahan ni Retired Maj. Gen. Mario Chan, Chief Executive Assistant sa tanggapan ng Environment Secretary ang pagpapasara ng 15 minahan na matatagpuan sa paligid ng P.M.A. at kinumpiska ang mga equipment na ginagamit sa illegal mining.
Nagdeploy din anya ng nasa 200 personnel mula sa pulisya, militar at Department of Environment and Natural Resources sa limang five small-scale mining areas sa barangay Kias na malapit lamang sa PMA grounds.
Posted by: Robert Eugenio