Ipinag-utos na ng China ang nationwide crackdown sa mga mapapanganib na kemikal at pampasabog matapos ang nangyaring pagsabog sa Tianjin na ikinasawi ng 56 katao at ikinasugat ng 721 iba pa.
Ayon sa Chinese authorities, malinaw na lumabag ang operator ng Tianjin site sa safety rules.
Kasalukuyang nagpapatuloy ang sunog sa lugar habang patuloy namang kumikilos ang mga chemical experts kung may kumakalat na nakalalasong usok.
Hanggang sa ngayon ay di pa batid ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagsabog sa Tianjin.
By Ralph Obina
Photo Credit: bbc.com