Isinusulong ngayon ni Bagong Henerasyon Paty-list Representative Bernadette Herrera-Dy ang pagkakaroon ng nationwide curfew para sa mga kabataan.
Batay sa nasabing panukala, hindi na maaaring lumabas pa ang mga kabataang edad 18 pababa kapag alas-10:00 na ng gabi hanggang ala-5:00 ng madaling araw.
Paliwanag ni Dy, nararapat ng magpatupad ng nationwide curfew dahil talamak na ang mga mapang-abusong tao saan mang panig ng bansa.
Bukod naman sa community service na parusa sa mga mahuhuli ay pagmumultahin din sila at mananagot ang mga magulang ng mga mahuhuling bata.
—-