Magkakaroon ng nationwide simultaneous earthquake drill sa Abril 21, Huwebes.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Dir. Renato Solidum, ang earthquake drill ay kadalasang ginagawa dalawa hanggang tatlong beses kada taon, at wala itong kaugnayan sa magkakasunod na malalakas na lindol na yumayanig sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Pinawi din ni Solidum ang pangamba ng publiko at sinabi na nagkakataon lamang na magkakasunod ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum
Volcanoes
Pinaalalahanan ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum ang publiko na nananatili sa alert level 1 ang mga bulkang Bulusan, Kanlaon at Taal.
Ayon kay Solidum, ito ay dahil mayroon pa din silang naitatalang “above normal” activities at mayroon pa din bahagyang pamamaga ang mga ito.
Dahil dito, mariing ipinaalala ni Solidum na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zones ng mga bulkan.
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas