Muling maglulunsad ng nationwide earthquake drill ang Office of Civil Defense o OCD at National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Isasagawa ang 4th quarter online nationwide simultaneous earthquake drill sa Nobyembre 11, 2021, ganap na alas-8:00 ng umaga.
Hinimok naman ng NDRRMC ang publiko na makiisa sa naturang aktibidad upang mapalakas ang kapasidad sa pagtugon sa mga kalamidad gaya ng lindol.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico