Ipinagutos na ni NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapaliban ng 3rd quarter nationwide simultaneous earthquake drill na nakatakda sana sa Huwebes, Setyembre 21.
Ito’y makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno sa nasabing petsa dahil sa ilalargang malawakang kilos protesta ng ilang grupo sa anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Ayon kay NDRRMC executive-director Ricardo Jalad, minabuti nilang ipagpaliban ang drill dahil karamihan sa mga pilot area kung saan ito gagawin ay mga eskwelahan at tanggapan ng gobyerno.
Hindi anya nila nais na kaunti lamang ang lumahok sa akitbidad na layuning ihanda ang publiko sa epekto ng malakas na lindol.
Blangko naman si Jalad kung kung kailan isasagawa ang naunsyaming nationwide earthquake drill.