Kasado na ang nationwide face to face earthquake drills sa Huwebes, September 8.
Ayon kay Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson, katuwang nila ang lokal na pamahalaan ng Makati City sa isasagawang earthquake drill.
Ang naturang ceremonial area naman ay isasagawa sa Ayala Property’s Management Corporation Headquarters.
Unang tututukan ng ahensya ang Makati Business Center para i-check ang kanilang operational plan o protocol sa sandaling tumama ang the big one.
Sinabi ng opisyal ng NDRRMC na mandatory ang earthquake drill para sa lahat ng ahensya ng gobyerno at pampublikong paaralan, lalo na ngayong mas maraming estudyante na ang bumalik sa mga eskwelahan.