Pinag-aaralan na ng Malacañang ang pagpapatupad ng nationwide firecracker ban.
Kasunod ito ng naganap na pagsabog ng tindahan ng paputok ng Bocaue, Bulacan na ikinasawi ng 2 katao at ikinasugat ng mahigit 20 iba pa.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito na ang isusunod ng Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos na lagdaan ang nationwide smoking ban.
Mahalaga ayon kay Medialdea na isaalang-alang din ang kapakapanan ng mga nasa industriya ng paputok.
Fireworks
Samantala, desidido na ang Department of Health (DOH) na isulong ang total fireworks ban sa buong bansa.
Ayon kay DOH Central Luzon Chief of Epidemiology Dr. Jesse Fantone, ang nangyaring pagsabog sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue kahapon ay patunay lamang na mas makabubuti na itigil na ang pagbebenta at paggamit ng paputok.
Patuloy ang ginagawang kampanya ng ahensya upang mapababa ang mga bilang ng casualty dahil sa paputok tuwing panahon ng Kapaskuhan.
By Rianne Briones