Suportado ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija ang Nationwide Implementation ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ito’y sa kabila ng mga reklamo ng operators at motorista sa paniningil umano ng malaking multa ng mga Local Government Unit na nagpapatupad ng nasabing polisiya.
Ayon kay Nebrija, mas maiging magkaroon NCAP ang lahat ng lungsod upang magkaroon ng Universal Traffic Rule.
Bagaman nakatutulong sa Traffic Enforcers sa pagsita sa violators, aminado si Nebrija na kailangang talakayin sa stakeholders ang mga isyung bumabalot sa polisiya.
Kamakailan ay kinuwestyon ng ilang transport group sa Supreme Court ang ligalidad ng NCAP at ipinanawagan ang suspensyon nito dahil sa hindi na umano makatarungang paniningil ng multa.