Kasado na ang job fair ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Mayo 1, Labor Day sa 44 na lugar sa bansa.
Ayon sa DOLE, aabot sa 1,000 kumpanya na kinabibilangan ng 800 local at 200 overseas employers ang mag-aalok ng mahigit 200,000 job openings.
Maglalagay ang NBI, SSS, BIR, NSO, PAG-Ibig at PhilHealth ng kani-kanilang booth sa mga lugar na pagdarausan ng job fair.
Layon nito na mapadali ang mga aplikante sa pagproseso ng mga dokumento.
By Meann Tanbio