Nagkasa ng mga jobs fair ang SM Supermalls sa pagdiriwang ng araw ng mga manggagawa sa May 1.
Bago ang mismong Mayo uno, isang malaking job fair ang isasagawa sa SMX Convention Center sa darating na araw ng Linggo, April 30 kung saan katuwang ng SM ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang nasabing job fair ay para sa mga bagong graduate, returning overseas workers at mga na lay off sa trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Bukod sa SMX, naglatag na rin ang SM ng job fair sa May 1 sa iba’t ibang Supermalls nito tulad ng SM City Grand Central, Southmall, BF Paranaque, Sucat, Novaliches, Baguio, Marilao, Pampanga, Olongapo Central, Tuguegarao, Cabanatuan, CDO Downtown Premier, Davao, San Jose del Monte, Marikina, Lipa at Puerto Princesa, Roxas, Bacolod sa May 5 at 6 at Cherry Antipolo sa May 12.
Ang mga itinakdang jobs fair ng SM Supermalls ay bilang suporta nito sa gobyerno sa layuning makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Para sa dagdag na impormasyon at updates magtungo sa www.smsupermalls.com o mag-follow sa @smsupermalls sa social media.