Ipinagdiwang ng Generika Drugstore ang kanilang ika-16 na anibersaryo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Nationwide Libreng Konsulta (LK).
Ayon kay Generika Drugstore President at CEO Dino Francisco, inaasahan na nasa halos 40,000 na pasyente ang kanilang maseserbisyuhan ngayong taon.
Ito na aniya ang ikatlong pagkakataon na nagsagawa sila ng libreng konsultasyon para sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo.
Bukod dito inilunsad din ng Generika Drugstore ang ilan pa nilang mga programa.
Isa na rito ang Mobile Genericard.
Ngayon po i-launch po namin ang tinatawag naming mobile Genericard. Ang mobile genericard ay isang uri ng innovation na inilunsad namin ito po ay nangangailang lamang ng active mobile number so wala na po tayong ini-issue na physical card, once registered yan po yung kailangan nilang gamitin tuwing bibili sila sa Generika Drugstore makaka-earn sila ng points and the points that they can earn can buy them items sa Generika also sa mga susunod nilang pagbili, as they accumulate loyalty points, “ani Francisco.
Inilunsad din ng Generika ang isang konsultasyon kung saan hindi na nangangailangan ng presensya ng doktor para matignan.
Isa rin po sa inilunsad namin ngayong araw, yung konsulta NP na ginanap sa Batong Malaki, Los Banos Laguna. Ito po ay isang innovation ng Generika na hindi na nangangailangan ng doctor na merong physical na presensya sa clinic or sa botika namin pero via video ang pasyente po, ang isang tao pwedeng komunsulta sa paraang iyon pwede din po silang mabiyan ng reseta ng gamot and at the same time makakabili na din sila ng gamot sa Generika Drugstore,” ani Francisco.