Nakatakdang magpatupad ng nationwide liquor ban at curfew sa mga menor de edad ang presumptive president na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa oras na opisyal na maupo sa Malacañang.
Ayon kay Peter Laviña, Spokesman ni Duterte, apektado lamang ng curfew na ipatutupad simula alas-10:00 ng gabi ang mga kabataang walang kasamang nakatatanda.
Ito, anya, ay upang matiyak na ligtas at natutulog na sa kani-kanilang bahay ang mga kabataan bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa paaralan kinabukasan.
Posible ring ipatupad ni Duterte pagbabawal sa malakas na videoke simula alas-9:00 ng gabi at pagbabawal sa pag-inom, pagbili o pagbebenta ng alak simula ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng umaga sa mga pampublikong lugar.
Layunin ng naturang mga kautusan na mabawasan ang krimen sa buong bansa bagay na ipinatupad din ng alkalde sa Davao City.
By Drew Nacino