Nagpatupad na rin ng nationwide lockdown ang Germany para sa mga hindi bakunado sa gitna ng fourth wave ng COVID-19 bukod pa sa banta ng Omicron variant.
Ayon kay German Chancellor Angela Merkel, pawang mga bakunado o nakarekober sa COVID ang papayagang makalabas o magtungo sa mga restaurant, sinehan at iba pang leisure facilities.
Posible naman anyang ipatupad ang mandatory vaccinations sa Pebrero.
Ang fourth wave ng pandemic ang isa sa pinaka-malala sa Germany kung saan nakapagtala ng 388 deaths sa nakalipas lamang na 24 oras. —sa panulat ni Drew Nacino