Mariing pinabulanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kumakalat na balitang isasailalim sa nationwide lockdown ang buong Pilipinas sa kasagsagan ng holiday season.
Ayon kay Roque, fake news ang naturang kumakalat na balita sa text messages kung sinasabing magkakaroon ng lockdown sa buong Pilipinas mula Disyembre 23 hanggang Enero 3.
Aniya, walang batayan para magdeklara ng nationwide lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte.
Una na ring hinimok ni Cabinet Secreatry Karlo Nograles ang mga Filipino na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon lalu na sa kasalukuyang panahon ng pandemiya.
Pinalalahanan naman ni National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla Jr. ang publiko na tiyakin at ipa-verify sa mga kinauukulan ang katotohanan sa mga natatanggap na impormasyon bago ipasa sa iba.